Conducted by PIT
, Started on 2023 -
Completed on 2024
Completed
Total Page Views : 11
Total Likes : 4
Like
Ang pananaliksik na ito ay ang mailahad at maisulat ang mga lihim kaalaman at
kababalaghan ng mga Kwetong Bayan ng Palompon na nakatuon sa kung ano ang
implikasyon nito sa mamayan at makabuo ng isang monograph ng mga lihim na kwentong
kababalagha.gumamit ng paraang deskriptibo-kwaliteytibo kung saan ang mga nakalap na
datos ay nagmula sa sagot na ibinigay ng mga kalahok. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na
kwaliteytib partikular ang pag-analisa sa kontent, nabibigyan-pagkakataon ang
mananaliksik na mailahad at mailarawan ang mga lihim kaalaman ng mga kwentong bayan
hinggil sa isang tiyak na kalagayan batay sa makatotohanang buhay, konteksto at
karanasan.Natuklasan ng mananaliksik ang mga sumusunod na impormasyon na naging
kasagutan sa mga layunin ng pag-aaral. Sa pag-alam at pagsulat ng mga piling kwentong
bayan ng Palompon, natuklasan na ang na mayroon itong walong kwento ito ang Sa Puno
ng Sambulawan, Ang Puno ng Mangga, Ang White Lady, Ang Kababalaghang
Karamdaman, Ang Misteryosong Kalsada ng Dunggo-an, Kurbada, Ang Puno ng Naga, at
ang Nuno sa Punso. Ang implikasyon na matutukoy sa lahat ng kwentong bayan na
nailahad ay naikakategorya sa puno, bagay, ibang nilalang ay nagiging salaman sa
pagrespeto at pagkilala sa lahat ng tao sa mundong ibabaw nakikita man ito o hindi at
pagkapit ng husto sa Dakilang lumikha. Batay sa kongklusiyon ng isinagawang pag-aaral,
lihim kaalaman at kababalaghan ng mga Kwetong Bayan ng Palompon ay mabisang
gamitin bilang kagamitang panglokal sa pagtuturo ng panitikan upang maibahagi sa
kamalayan at mapahalagahan ng mga estudyante ang mga naisulat nito.
